flashcard

1 / 16
Front
simuno o paksa
❮ prev next ❯
1 / 16
Back
bahaging nagsasaad ng pinag-uusapan sa pangungusap. Halimbawa: SI ANDRES BONIFACIO ay nagtatag ng Katipunan.
❮ prev next ❯

terms list

simuno o paksa
bahaging nagsasaad ng pinag-uusapan sa pangungusap. Halimbawa: SI ANDRES BONIFACIO ay nagtatag ng Katipunan.
panaguri
bahagi ng pangungusap na nagsasabi ng tungkol sa simuno. Hal: Si Apolinario Mabini ay TINAGURIANG DAKILANG LUMPO.
karaniwang ayos
pangungusap na pinangungunahan ng panaguri at sinusundan ng simuno. Madalas natin itong ginagamit kapag nakikipag-usap tayo sa ating kapwa. Hal: Mag-ehersisyo tayo upang lumusog.
di-karaniwang ayos
pangungusap na pinangungunahan ng simuno at sinusundan ng panaguri. Ito ay pinangungunahan ng panandang ay. Hal: Ang ehersisyo ay nagpapalusog ng katawan.
pasalaysay o paturol
uri ng pangungusap na nagsasalaysay o nagbibigay ng impormasyon, naglalarawa, o nagpapaliwanag ng isang bagay. Natatapos sa tuldok. Hal: Ang lahat ng nabubuhay sa mundo ay nilikha ng Diyos.
patanong
pangungusap na nag-uusisa. Gumagamit ng bantas na patanong. Hal: Sino ang lumikha ng lahat ng nabubuhay sa mundo?
pautos o pakiusap
pangungusap na nagpapahayag ng isang utos o pakiusap. Gumagamit ito ng salitang gaya ng maari, paki, at pwede ba. Nagtatapos ito sa tuldok. Hal: Pwede mo bang sabihin sa akin kung sino ay maylikha ng lahat sa mundo?
padamdam
pangungusap na nagpapahayag ng masidhing damdamin tulad ng tuwa, lungkot, sakit, galit, at gulat. Gumagamit ito ng tandang padamdam. Hal: Ang Diyos ang maylikha ng lahat ng buhay sa mundo!
payak
uri ng pangungusap na nagpapahayag ng iisang kaisipan lamang. Ito'y nagtataglay ng isa o higit pang simuno o panaguri subalit iisang diwa lamang ang ipinahahayag. Hal: Ang puno at halaman ay unti-unti nang naglalaho.
tambalan
pangungusap na nagtataglay ng dalawang kaisipan at pinag-uugnay ng mga pangatnig na tulad ng at, pati, saka, o ni, maging, ngunit. Hal: Ang mga puno sa gubat ay unti-unti nang naglalaho AT ang mga ibon ay wala nang masilungan.
hugnayan
pangungusap na binubuo ng isang punong kaisipan o sugnay na makapag-iisa. Pinag-uugnay ito ng pangatnig na tulad ng KUNG, NANG, BAGO, UPANG, KAPAG, SAPAGKAT. Kakikitaan ito ng relasyong SANHI at BUNGA. Hal.: Marami pang buhay at ari-arian ang masisira kung hindi natin mapapangalagaan.
pangngalan
bahagi ng pananalitang tumutukoy sa ngalan ng tao, hayop, bagay, pook, o pangyayari. Mayroon itong dalawang uri.
pantangi
uri ng pangngalan na tumutukoy sa tiyak o tanging ngalan ng tao, hayop, bagay, o pangyayari. Nagsisimula ito sa malaking titik. Hal: Dylan, Liam, Rochelle, Mt. Pinatubo, Nido, Nestle
pambalana
uri ng pangngalan na tumutukoy sa karaniwang ngalan ng tao, hayop, bagay, o pangyayari. Nagsisimula ito sa maliit na titik maliban kung ito ay ginagamit sa simula ng pangungusap. Hal: bata, matanda, simbahan, kainin, kaarawan, gatas, kape
pangngalang kongkreto o tahas
uri ng pangngalang pambalana na tumutukoy sa mga pangngalang materyal o mga bagay na nakikita at nadarama ng ating mga pandama. Hal: mesa, guro, bulaklak, pagkain, alaga.
pangngalang di-kongkreto o basal
uri ng pangngalang pambalana na tumutukoy sa mga pangngalang hindi materyal. Ito ay nagsasaad ng mga bagay na matatagpuan lamang sa diwa o kaisipan at di-tuwirang nadarama ng ating mga pandama. Hal: lungkot, saya, galit, katalinuhan, kalayaan, kabutihan
ads

more from user

Circulatory System - Blood Flow Chart

9 items en en

Short and Long /u/ Sounds

21 items en en

Parts of a Computer -- Storage Devices

3 items en en

Computers in Different Places

6 items en en

Parts of a Computer -- Input Devices

5 items en en

Parts of a Computer - Output Devices

3 items en en

Consonant Clusters -- The L Blends

10 items en photo

Short and Long /e/ Sounds

40 items en en

Animals Grow and Reproduce

31 items en en

Properties and Uses of Materials

52 items en en

likely

ATI Targeted Medical-Surgical 2019: Cardiovascular

30 items en en

AP World History Semester Study Guide

72 items en en

FS Sociology Generations

23 items en en

BEHP 5015 Final Exam

277 items en en